Saturday, April 18, 2015

Push This Thing :)


My Tagalog Entry :)
I push myself na magkaroon ng entry ng topic na ito kahit tagalog. Nabagabag kasi ako ng husto dahil lang sa hindi ako nakapaginformal sa mga kakilala ko about this topic..

"PORNOGRAPHY "
Ang unang hakbang na kadalasan nang nauuwi sa PAKIKIAPID.....

Nabasa ko sa isang napakagandang aklat ang paksang ito. Nakuha nito ang aking pagsang-ayon dahil maraming tao sa ngayon ay exposed dito.Madalas nakikita ang pornography sa mga bilihan ng diyaryo, sa musika, at sa telebisyon. At napakalaganap nito sa Internet. MArami sa aking mga kakilala na nagsasabi na hindi daw ito nakakapinsala at para sa mga open minded lang daw ito.Noong sinabi sa akin ng aking kakilala ang gantong rason, hindi ko agad nasabi ang aking pananaw tungkol dito at hindi ko naipahayag ang aking punto kaya naman sa ganto kong paraan nais ipahayag ang aking saloobin ukol dito.

Nang nagresearch ako at nagbasa-basa ukol sa ganitong topic, napag-alaman kong mali sila. First dapat may limitation ang pagiging open minded ng isang tao. Dahil kung wala maaaring humantong ito sa ikapipinsala niya. Sa nabasa ko, binanggit na ang pornograpiya ay lubhang nakakapinsala sa isang tao.

"Dahil sa panonood ng pornograpiya, nakakagawian ng ilan ang masturbasyon at nagkakaroon sila ng 'kahiya-hiyang mga pita sa sekso' na maaaring maging sanhi ng pagkahayok sa sekso, pagkakaroon ng maruming pagnanasa, malulubhang problema sa pagaasawa, at pagdidiborsiyo pa nga. (Roma 1:24-27; Efeso 4:19). Itinutulad ng isang mananaliksik ang pagkahayok sa sekso sa kanser.'Lumalala ito at kumakalat' ang sabi niya. 'Bihira itong mawala, at napakahirap din itong gamutin'"

Kaya naman sana sa gantong paraan maging malinaw ang pag-unawa ng isang tao sa gantong kalaking bagay.:)

See you sa next Entry :)