Sunday, December 23, 2018

Migrasyon


Related image

created : October 17, 2018 3:38 am

INTRODUKSYON

Sa konteksto ng tao, pamilya ang batayang yunit ng lipunan. Ito ang pinakapangunahing institusyon para sa paglinang ng pakikisalamuha sa iba.Nagsisilbi rin itong pundasyon para sa paghubog ng disente at kapakipakinabang na ugali, katangian o personalidad. Samakatuwid, ang mga magulang ay may malaking responsibilidad na tustusan ang pisikal, emosyonal, sosyal at espirituwal na pangangailangan ng pamilya.


Sa kasalukuyan, maraming mga magulang ang pinipiling mangibang bansa upang matugunan ang mga batayang pangangailangan – pagkain, damit at tirahan ng kanilang mga anak. Naniniwala sila na ito ay magbibigay ng magandang kinabukasan dahil sa mataas na kita o sahod na inaalok ng pangingibang bansa. Sa kabilang dako , nagbabahagi ang pamilya kapag iniwan ng isa o ng kapwa magulang ang kanilang mga anak sa pangangalaga ng ibang kamag-anak o miyembro ng pamilya dahil sa paghahangad ng mabuting kabuhayan .Nakokompromiso din nito ang pag uugali ng kanilang mga anak dahil lumalaki silang walang paggabay ng mga magulang. Karagdagan pa, ang kakulangan ng personal na komunikasyon sa pagitan ng anak at magulang ay nakakaapekto sa malapit na ugnayan at pagkakaisa ng pamilya.

Ginawa ang pag-aaral na ito upang makita ang epekto ng pangingibang bansa sa istraktura ng pamilya ganundin sa paraan ng pamumuhay sa lipunan. Layunin din nito na mamulat ,mapakilos at mabigyan ng kaalaman ang mga magulang ng mga alternatibong mga hakbang para matugunan ang pangangailangan ng pamilya na hindi nila nakokompromiso ang pagpapalaki sa kanilang mga anak at ang malapit nilang ugnayan sa isat isa.

II.

Ang pangingibang bansa o Migrasyon ay may malaking epekto sa tao at bansa, pangunahin na dito ay ang epekto sa buhay pamilya, pagkawatak watak at pagkawala ng integridad ng pamilya ang naidudula nito dahil maraming mga overseas workers partikular na ang mga Pilipino ang napipilitan iwan ang kanilang mahal sa buhay para magtrabaho sa ibang bansa.

Ikalawa maraming mga pamilya ang mas nababaon sa pagkakautang dahil sa mga gastos ng pangingibang bansa. Ikatlo, dumadami ang broken family o mag-aasawang naghihiwalay dahil sa imoralidad bunga ng kawalan ng maayos na komunikasyon.

Dagdag pa dito ay ang pagkawag ng moral values ng mga kabataan dahil lumalaki silang walang presensya ng paggabay ng magulang. Hindi sila nakakalinang ng magandang pag-uugali o katangian sa halip ay nagiging rebelyoso at pasaway dahil sa mga masamang impluwensya ng iba o kaibigang nakakasama nila. Kalimitan pa ay nagiging maibigin sila sa salapi o material na bagay dahil naibibigay sa kanila ang luho o bagay na naisin nila kahit hindi ito mahalaga o kinakailangan.

Posibleng hindi napapansin ng iba ang negatibong epekto ng migrasyon o pandarayuhan dahil sa pagtaas ng income ng bansa dulot ng mga remittances na pinapadala ng mga manggagawa mula sa ibang bansa pero ang katotohanan may malaking epekto ang pandarayuhan sa bansa.

Una, nagkakaroon ng disbalanse ng populasyon. Tinatayang 200,032 milyong katao ang nangingibang bansa sa kabuuang 3.1 porsyento ng populasyon sa buong mundo at tinataya ding nasa 1 sa 8 imigrante ay nasa edad 15-24 taong gulang. Dahil dito lumiliit ang bilang ng mga populasyong maasahan sa ekonomiya dahil nawawala o umaalis ang mga nasa middle age at naiiwan yung mga matatanda o sobrang bata.

Ikalawa, dahil sa malaking demand ng skilled workers at propesyonal sa ibang bansa, marami ang nahihikayat na kumuha ng kurso tulad ng engineering, marine transportation, marine engineer at iba na hindi pangunahing pangangailangan ng ating ekonomiya.

Ikatlo, tumataas ang bilang ng crime rate dahil maraming kabataan ang mababaling sa iba’t ibang bisyo tulad ng illegal na droga dahil sa kawalan ng direktang paggabay ng magulang. Kalimitan pa, may mga kabataan ang napapaharap sa maagang pag-aasawa o pagbubuntis.

At ang pinakahuli ay tumataas ang bilang ng dumaranas ng pang-aabuso dahil sa pangingibang bansa. Nagiging biktima sila ng Illegal recruiter at organize crime syndicate

Sa madaling salita may malaking epekto sa buhay pamilya o lipunan ang pangingibang bansa kaya malaki rin ang maitutulong ng gobyerno at mga magulang kung magiing responsable sila para masulusyunan ang isyu na ito.


III.

Ang isyu ng pangingibang-bansa ay masosolusyunan kung gagampanan ng gobyerno ang kanyang pananagutan gayundin ang mga magulang. Kung magsasagawa ang gobyerno ng mga programang makakapagbigay ng oportunidad para sa dagdag, angkop, permanenteng trabaho na may sapat na kita gaya ng pagsasa-pambansang Industriya at pagsasabuhay ng mga proyektong pang – imprastruktura upang maganyak o maakit ang local na mamamayan na manatiling magtrabaho na lang sa sariling bansa sa halip na mandarayuhan pa sa iba.

Isang katalinuhan din para sa magulang kung babaguhin nila ang kanilang pangmalas o pananaw kaugnay sa pagbibigay ng magandang kinabukasan ng kanilang mga anak. Kung magiging bukas ang kanilang isip na kumuha ng ibang payo at kaalaman tungkol sa isang maligayang pamilya, dapat nilang pag-isipan at suriin ang binabanggit ng Bibliya sa Kawikaan 23: 4,5 –“na madaling mawala ang kayamanan dahil itoy simbilis ng agila sa paglipad sa kalawakan.” Dagdag pa, ang pinakamahalagang bagay na kailangan na hindi mabibili ng pera ay pagmamahal, kapanatagan at pagkakaisa ng pamilya. Napakalungkot nga kapag hinayaan ng mga magulang na maging mas matimbang ang pera kaysa sa pag-ibig nila sa isa’t isa o sa “Likas na pagmamahal” nila para sa kanilang mga anak.

No comments:

Post a Comment