Sunday, December 23, 2018

OUR CHRISTIAN LIFE AND MINISTRY MEETING ASSIGNMENT 110118



OUR CHRISTIAN LIFE AND MINISTRY MEETING ASSIGNMENT 


NAME: Kaye Emm Boce 

ASSISTANT : Rowena Ocampo 

DATE : November 1, 2018 

Ikatlong Pagdalaw-Muli: (3 min. o mas maikli) Pumili ng gusto mong teksto at iiwang tanong. 

K: Hello ate Weng kamusta ka? 

R: Hello Kaye. Eto ayos naman ako medyo busy lang. 

K: Last week ate napagusapan natin kung ano ang gagawin ng Diyos para wakasan ang pagdurusa natin at yung mga pag-asa din ng Diyos napahapyawan din po natin. Ngayon naman po ate pwede po natin talakayin kung paano mapapasa-atin ang pag-asang ibinigay ng Diyos para sa atin Hmm sa Awit 37:34 may binabaggit po doon pwede po pakibasa. 

R: Sige (Basahin Awit 37:34) “Umasa ka kay Jehova at ingatan mo ang kaniyang daan, At itataas ka niya upang magmay-ari ng lupa. Kapag nilipol ang mga balakyot, makikita mo iyon.” 

K: Thank you po ate . Sinasabi ng talata na pwedeng mapasaatin ang lupa.Pinapaalala nito ang tekstong binasa natin last time na nagsasabing ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa. Pero kung gusto po natin ng ganoong kinabukasan may mga dapat po tayong gawin. Napansin mo po ba sa teksto kung ano? 

R: Umasa kay Jehova? 

K:Tama po. Kailangan nating magtiwala kay Jehova ang Diyos. Hindi po sa sarili natin o sa sinumang tao. Kailangan tayong umasa sa patnubay nya. Napansin mo din po ba ate ang isang bagay na pwede nating gawin? Binanggit po yon pagkatapos ng ‘umasa kay Jehova’. 

R: At ingatan mo ang kanyang daan. 

K: Tama ka po ate Weng. Kailangan po nating kumilos. Kumilos para ingatan ang kanyang daan. Sa tingin mo naman po ate, ano kayang paraan ng pamumuhay ang gusto ng Diyos para sa atin? Paguusapan naman natin yan next time.

No comments:

Post a Comment